Mabuhay! Ikaw ay nasa “Mga Tagalog na Panalangin”. Makikita mo dito ang iba’t ibang halimbawa ng mga panalangin na maaari mong bigkasin sa anumang pagtitipon at pangangailangan. Mangyaring hanapin at tingnan ang mga halimbawa ng mga tagalog na panalangin sa aming listahan.

Sa pamamagitan nito, maipararating mo ang kaukulang dasal sa ating Makapangyarihang Diyos at masasabi mo sa Kanya ang iyong mga pasasalamat, paghingi ng kapatawaran at ang iyong mga kahilingan.

Pasasalamat sa Diyos

Halimbawa ng Pasasalamat sa Diyos

Nararapat lamang na pasalamatan natin ang ating Diyos sa patuloy na paggabay niya sa atin sa araw-araw.

Maraming Salamat, Diyos Ko!
ni: Von Anrada

Maraming salamat po!

Panginoon ko, maraming salamat po sa lahat ng mga biyayang walang sawang ibinibigay ninyo sa akin. Pipilitin ko pong gamitin ang mga biyayang natatanggap ko upang makatulong din po sa ibang kapwa ko nilalang na nangangailangan.

Maraming salamat po sa patuloy ninyong pagbibigay ng pagkakataon upang malaman ko ang dahilan ng aking pag-iral. Ibinabalik ko po ang karangalan sa inyo sa aking pagkakalikha.

Maraming salamat po sa pagkakaroon ng masayang pamilya, mga mapagkakatiwalaang kaibigan at mga kakilala. Sila po ang dahilan ng aking kasiyahan. Sila po ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon upang mabuhay at maging masaya sa araw-araw.

Maraming salamat po sa patnubay na inyong ibinibigay sa aming lahat upang magampanan namin ang mga responsibilidad at tungkuling nakaatang sa aming balikat.

Maraming salamat din pos a kalakasan, katalinuhan at kapasyahan. Ito po ang ginagamit namin sa pagsugba sa mga alon at pagsubok ng buhay.

Maraming salamat din po sa inyong bugtong na anak na siyang tumubos ng aming kasalanan.

Amen.

-mga tagalog na panalangin

Pasasalamat na panalangin sa Diyos

-------------------------
Estudyante ka ba?
-------------------------

tags: panalangin at pasasalamat, dasal sa diyos na nagpapasalamat

5 comments:

  1. ako po ay nasisiyahan sa Panalangin na ito, at ako po rin ay nagpapasalamat sa mga biyayang aking natanggap...

    ReplyDelete
  2. maraming salamt po sa website na eto..malaking tulong po ito upang mapalakas namin ang aming papananampalataya sa DIYOs.

    ReplyDelete
  3. Maraming salamat sa lahat ng bagay Panginoon.. patawad din po sa aming mga pagkukulang sayo.

    ReplyDelete
  4. Syang tunay na kalugod lugod ang dalangin na ito para sa ating puong maykapal. Salamat po mahal na ama sa lahat ng walang sawang pag-gabay at pagkaloob ng mga biyaya sa amin, at sa walang sawa mong pag dinig s kapatawaran ng aming mga pagkakasala. Mahal na panginoon dinadakila ka po namin sa ngalan ng iyong bugtong n anak na si hesukristo. AMEN...

    ReplyDelete
  5. Panginoon, hindi man po lahat nabanggit ang mga dapat ipagpasalamat sa iyo, alam mo po kung ano ang laman ng aming mga puso. Lubos na nag-uumapaw ang aking puso sa mga pagpapala na patuloy mong iginagawad sa aking pamilya. Sa araw na ito, "Araw ng mga Puso", sa iyo ko po iniaalay ang aking puso, nawa'y punuin mo ng pagmamahal, pang-unawa at mapagkumbaba upang maibahagi sa aking kapwa ang tunay na pagmamahal na ibinibigay mo sa bawat isa sa amin na Anak mo. Nagpapasalamat din po ako sa mga grasya na alam kong ibubuhos mo pa para sa aming lahat.

    ReplyDelete

Share this on Facebook. ^ Click the link above.


18 Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal,

19 At sa akin, upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan ang hiwaga ng evangelio,

20 Na dahil dito ako'y isang sugong natatanikalaan; upang sa ganito ako'y magsalita na may katapangan gaya ng nararapat na aking salitain. Mga Taga-Efeso 6:18-20