Mabuhay! Ikaw ay nasa “Mga Tagalog na Panalangin”. Makikita mo dito ang iba’t ibang halimbawa ng mga panalangin na maaari mong bigkasin sa anumang pagtitipon at pangangailangan. Mangyaring hanapin at tingnan ang mga halimbawa ng mga tagalog na panalangin sa aming listahan.

Sa pamamagitan nito, maipararating mo ang kaukulang dasal sa ating Makapangyarihang Diyos at masasabi mo sa Kanya ang iyong mga pasasalamat, paghingi ng kapatawaran at ang iyong mga kahilingan.

Panalangin Bago Magsimula ang Klase

Halimbawa ng Panalangin sa Klase

Bago simulan ang anumang gawain, nararapat lamang na pasalamatan at ihabilin ito sa Diyos upang magtagumpay. Makatutulong ang panalangin na ito upang gabayan sa mga mag-aaral at guro sa isang klase bago magsimula ang pag-aaral.


Panalangin sa Klase
ni: Von Anrada

dasal klase
Nagdarasal na Mag-aaral
Diyos na Banal, maraming salamat po sa pagkakataong ibinigay ninyo sa aming lahat upang makapag-aral. Salamat po sa pagbibigay ninyo sa amin ng isang guro na matiyagang hinuhubog ang aming isipan sa araw-araw. Salamat din po sa aming mga magulang sa patuloy na pagkakaloob sa amin ng aming mga pangangailangan.

Gabayan naman po ninyo kami upang makita ng aming mga mata ang mga aral na ibinibigay ng aming tagapagturo. Bigyan ninyo po kami ng talas ng isip upang matalos ang mga bagay na kailangan naming malaman. Patnubayan mo po kami sa aming landas na piniling lakarin. Wala po kaming magagawa kung wala ang inyong tulong at mga pagpapala.

Gabayan din naman ninyo ang aming guro upang maibigay niya ng lubusan ang mga paliwanag na aming kakailanganin sa pagharap sa kinabukasan. Bigyan din naman ninyo siya ng matiyagang kalooban upang mapatawad ang aming pagkukulang.

Sa harap ninyo at sa inyong bugtong na anak, inaalay namin ang araw na ito. Amen.

-mga tagalog na panalangin

Panalangin sa Harapan ng Klase

Photo Credit: http://paengfjarilla.wordpress.com/2012/03/29/paeng-in-school/

-------------------------
Dasal sa Birthday ng Kaibigan?
Panalangin Para sa May Kaarawan
-------------------------

tags: panalangin sa simula ng klase, dasal na tagalog ng estudyante, klase dasal.

No comments:

Post a Comment

Share this on Facebook. ^ Click the link above.


18 Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal,

19 At sa akin, upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan ang hiwaga ng evangelio,

20 Na dahil dito ako'y isang sugong natatanikalaan; upang sa ganito ako'y magsalita na may katapangan gaya ng nararapat na aking salitain. Mga Taga-Efeso 6:18-20