Tagalog na Panalangin at mga Paliwanag
Isang dasal ng Kristiyano na maaaring usalin sa araw-araw.
Ama Namin
Ama namin, sumasalangit ka,
Sambahin ang ngalan mo.
Mapasa amin ang kaharian mo,
Sundin ang loob mo,
Dito sa lupa para ng sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga utang,
Para ng pagpapatawad namin sa mga nagkakautang sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
Bagkus iadya mo kami sa masama.
Mga bahagi at mga paliwanag
Nagmula kay San Agustin (sa kanyang Liham kay Proba) ang sumusunod na mga paliwanag hinggil sa napiling mga bahagi ng http://panalangindasaltagalog.blogspot.com/Ama Namin:
Sumasalangit ka
Sa pariralang ito nasasasaad ang pagka-Amang makalangit ng ating Yahweh El Shaddai. Siya na naghahari sa langit ay nagsugo ng kanyang anak upang tayo ay iligtas. Ipinapakita ni Hesus ang kanyang ama sa atin sa pamamagitan ng kanyang sarili. Kaya sa bawat parirala ng Ama Namin, tayo ay nakikibahagi sa misteryo ni Yahweh.
Mapasaamin ang kaharian mo
Sa pagbanggit ng mapasaamin ang kaharian mo (o your kingdom come sa Ingles), ipinaaalala sa tao na tiyak ang pagdating ng kaharian ng Diyos, subalit pinasisigla ng pariralang ito ang pagnanais ng mga nananalig sa kahariang ito. Upang nang sa gayon, dumating ito sa tao na nararapat ang taong mamuhay sa loob nito.
Sundin ang loob mo
Kapag sinasambit ang sundin ang loob mo, dito sa lupa para ng sa langit, hinihiling ng tao sa Diyos na maging masunurin nawa ang tao o sarili ng tao upang masunod ang kagustuhan ng Diyos sa loob ng tao, katulad ng ginagawa ng mga anghel sa kalangitan.
Bigyan mo kami
Kapag sinasabi ang bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, pinakakahulugan dito ang "sa mundong ito". At humihingi tayo ng pagiging sapat at ginagamit ang kakanin (bread sa Ingles) upang sumagisag para sa lahat ng bagay.
Patawarin mo kami
Sa pagsasabi ng patawarin mo kami sa aming mga sala, para ng pagpapatawad namin sa mga nagkakautang sa amin, ipinaaalala ng tao sa kanyang sarili kung ano ang kailangan niyang hingin at kung ano ang dapat niyang gawin upang maging nararapat sa pagtanggap.
Huwag ipahintulot sa tukso
Kapag sinasabi naman ang huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, pinapaalala ng tao na hindi maaaring lumisan sa kanya ang tulong na ito. Kapag nawala ito, maaari siyang mabulid at pumayag sa isang tentasyon at mabuyo rito.
Iadya mo kami
Sa pagbanggit ng iadya mo kami sa masama, ipinaaalala ng tao sa sarili na magmuni sa katotohanang hindi pa niya ikinasisiya ang katayuan ng pagiging isang banal kung saan hindi na siya maghihirap sa ilalim ng kasamaan. Sa kahilingang ito, maaaring sambitin ng isang Kristiyano ang kanyang pagtangis, at sa pamamagitan nito maaari siyang magsimula, magpatuloy, at wakasan ang kanyang dalangin, anuman ang suliraning kinatatagpuan niya sa kanyang sarili.
Photo Image by: theamericanjesus.net
-mga tagalog na panalangin
No comments:
Post a Comment