Mabuhay! Ikaw ay nasa “Mga Tagalog na Panalangin”. Makikita mo dito ang iba’t ibang halimbawa ng mga panalangin na maaari mong bigkasin sa anumang pagtitipon at pangangailangan. Mangyaring hanapin at tingnan ang mga halimbawa ng mga tagalog na panalangin sa aming listahan.

Sa pamamagitan nito, maipararating mo ang kaukulang dasal sa ating Makapangyarihang Diyos at masasabi mo sa Kanya ang iyong mga pasasalamat, paghingi ng kapatawaran at ang iyong mga kahilingan.

Mga Panalangin kay Santa Maria

Tagalog Prayers for Mama Mary

Manalangin tayo.
Aba Ginoong Maria / Hail Mary / Ave Maria

Aba Ginoong Maria,
napupuno ka ng grasiya,
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala rin naman
ang anak mong si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay.

Amen.

Aba Po Santa Mariang Hari / Hail Holy Queen / Salve Regina

Aba Po Santa Mariang Hari, Inang ng Awa.
Ikaw ang kabuhayan at katamisan;
Aba pinananaligan ka namin.
Ikaw nga ang tinatawagan namin,
pinapanaw na taong anak ni Eva.
Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng aming pagtangis
dini sa lupang bayang kahapis-hapis.

Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin,
ang mga mata mong maawain,
at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin,
ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen.

Ipanalangin mo kami, Reyna ng kasantusantuhang Rosaryo.
Nang kami'y maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristo.

-mga tagalog na panalangin

Basahin din:

Ama Namin

No comments:

Post a Comment

Share this on Facebook. ^ Click the link above.


18 Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal,

19 At sa akin, upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan ang hiwaga ng evangelio,

20 Na dahil dito ako'y isang sugong natatanikalaan; upang sa ganito ako'y magsalita na may katapangan gaya ng nararapat na aking salitain. Mga Taga-Efeso 6:18-20