Mabuhay! Ikaw ay nasa “Mga Tagalog na Panalangin”. Makikita mo dito ang iba’t ibang halimbawa ng mga panalangin na maaari mong bigkasin sa anumang pagtitipon at pangangailangan. Mangyaring hanapin at tingnan ang mga halimbawa ng mga tagalog na panalangin sa aming listahan.

Sa pamamagitan nito, maipararating mo ang kaukulang dasal sa ating Makapangyarihang Diyos at masasabi mo sa Kanya ang iyong mga pasasalamat, paghingi ng kapatawaran at ang iyong mga kahilingan.

Panalangin Kapag may Bagyo

Panalangin Upang Iligtas sa Bagsik ng Bagyo

Humingi ng tulong sa Diyos upang iligtas sa hagupit ng anumang bagyong tatama sa Pilipinas.

Iligtas Mo Po Kami, Diyos Ama
ni: Von Anrada

panalangin bagyo
Sa Oras ng Kalamidad


Panginoon naming Diyos, Amang Makapangyarihan sa lahat, kami po ay tumatawag sa inyong banal na pangalan, iligtas mo po kami sa hagupit ng bagyong dinaranas namin ngayon. Nananampalataya po kami ng lubos na hindi ninyo kami pababayaan sa mga panahong ito. Alam po namin na sa inyo nagbuhat ang lahat ng bagay, kayo ang lumikha ng lahat ng unos at kayo rin po ang pagbubuhatan ng aming kaligtasan. Kayo lamang po ang makatutulong sa amin sa mga panahon ng kalamidad at sakuna. Hanguin mo kami sa pagkakalugmok dahil sa hagupit ng bagyo na ito’t itaas mo ang aming mga espiritu upang maging matibay ang aming pananampalataya sa iyo. Patuloy po kaming kakapit sa iyong mga kalooban at susunod sa iyong mga lakad kahit na kami’y dumaranas ngayon ng paghihinagpis.

Panginoon, nananalangin po kami ngayon na sana’y malagpasan namin ang bagsik ng bagyong ito. Kanlungan mo kami ng iyong dakila at makapangyarihang kamay upang maligtas sa mga panganib. Gawaran mo kami ng iyong kalakasan upang makabangon naman sa mga pinsalang natatamo namin at ng aming bansa. Idinadalangin namin ang lahat ng ito sa pangalang ng iyong anak na si Jesus.

Amen.

-mga tagalog na panalangin


-------------------------
Tagalog Quotes from the Bible with Pictures?
-------------------------

tags: dasal tuwing may bagyo, panalangin upang maligtas sa anumang sakuna, bagyo, kalamidad, baha, lindol, biyahe.

No comments:

Post a Comment

Share this on Facebook. ^ Click the link above.


18 Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal,

19 At sa akin, upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan ang hiwaga ng evangelio,

20 Na dahil dito ako'y isang sugong natatanikalaan; upang sa ganito ako'y magsalita na may katapangan gaya ng nararapat na aking salitain. Mga Taga-Efeso 6:18-20