Ang isang mag-aaral ay gumagawa ng maraming gawain sa araw-araw. Mula sa kanyang pagpasok sa umaga hanggang sa paggawa niya ng mga takdang-aralin sa gabi, masasabing kulang ang oras niya upang magampanan ang kanyang mga tungkulin. Dapat lamang na magkaroon pa rin siya ng panahon sa panalangin upang makahingi ng tulong at gabay sa ating Diyos na Buhay.
Student’s Prayer – Tagalog na Panalangin ng mga Mag-aaral
ni: Von Anrada
Tulungan Nawa |
Mahal kong Diyos, bigyan mo po ako ng kaalaman, kalakasan at pag-ibig. Panatilihin mo ako sa kalsadang nararapat kong lakaran at buksan mong lagi ang iyong pintuan. Gagamitin ko ang aking kaalaman sa kabutihan ng aking mga mahal sa buhay at kapwa-tao, ang kalakasan ay aking magiging sandata sa mga pagsubok na aking makakasalubong at ang pag-ibig ay aking ipamamahagi sa iba kong kamag-aral upang matulungan din sila sa anumang suliranin na kanilang dinaraanan.
Tulungan mo po ako, Panginoon, na makagawa ng tamang desisyon sa ikalulugod ng iyong kalooban at sa kapakinabangan ng karamihan. Gawaran mo po ako ng malinis na puso at tuwid na kaisipan upang matupad ko ang aking mga pangarap.
Bigyan mo naman ako ng kababaang-loob upang matanggap ko ang aking mga pagkakamali at kasalanan. At pusong mapagkumbaba na siyang magsisilbing tagatanggap ko ng aking mga kahinaan at pagkukulang. Inihahabili ko po sa inyo ang aking buong isang araw. Sa pangalan ng iyong anak na si Jesus.
Amen.
-mga tagalog na panalangin
Panalangin ng mga Estudyante
Photo Credit:
-------------------------
Dasal Bago magsimula ang klase?
-------------------------
tags: panalangin ng estudyante, dasal bago pumasok sa school
No comments:
Post a Comment