Mabuhay! Ikaw ay nasa “Mga Tagalog na Panalangin”. Makikita mo dito ang iba’t ibang halimbawa ng mga panalangin na maaari mong bigkasin sa anumang pagtitipon at pangangailangan. Mangyaring hanapin at tingnan ang mga halimbawa ng mga tagalog na panalangin sa aming listahan.

Sa pamamagitan nito, maipararating mo ang kaukulang dasal sa ating Makapangyarihang Diyos at masasabi mo sa Kanya ang iyong mga pasasalamat, paghingi ng kapatawaran at ang iyong mga kahilingan.

Dasal na Humihingi ng Tawad

Halimbawa ng Panalangin sa Paghingi ng Tawad

Humingi ng kapatawaran sa anumang kasalanang nagawa at piliting itakwil nang tuluyan ang mga kasalanang ito. 

Patawarin Mo Kami, Panginoon
ni: Von Anrada

Patawad po!

Panginoon naming Diyos, patawarin mo kami sa lahat ng aming mga kasalanan. Patawarin mo rin kami sa aming pagkukulang sa Iyo, sa aming kapwa, sa aming pamilya’t mga mahal sa buhay. Pinipilit po naming maging malakas sa araw-araw upang mapaglabanan ang mga kaway ng kamay ng kasamaan. Patawarin mo po kami sa paminsan-minsang pagtalikod namin sa iyong mga kautusan.

Humihingi po kami ng kapatawaran sa inyong harapan sa mga nagagawa naming kasinungalingan ng aming dila. Patawad po sa pagkakaroon ng maruming pag-iisip at puso. Patawad po sa pagtangging tumulong sa mga nangangailangan. Nawa’y pahintulutan mo kami na magkaroon ng malinis na dibdib at kalooban, gayundin ang isip at diwa upang makasunod sa iyong nilalakaran.

Panginoon, gawaran mo kami ng mapagpatawad mong kadakilaan at bigyan mo kami ng matibay na paninindigan upang itakwil ang kasamaan. Bigyan mo rin kami ng matatag na pananampalataya upang maging matibay sa mga tukso na dumarating at darating sa aming buhay.

Maraming salamat po.

Amen

-mga tagalog na panalangin

Panalangin Upang Mapatawad ng Diyos


-------------------------
Panalangin sa Paaralan?
-------------------------

tags: dasal paghingi ng tawad, kapatawaran panalangin, Christian prayer tagalog,

No comments:

Post a Comment

Share this on Facebook. ^ Click the link above.


18 Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal,

19 At sa akin, upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan ang hiwaga ng evangelio,

20 Na dahil dito ako'y isang sugong natatanikalaan; upang sa ganito ako'y magsalita na may katapangan gaya ng nararapat na aking salitain. Mga Taga-Efeso 6:18-20