Mabuhay! Ikaw ay nasa “Mga Tagalog na Panalangin”. Makikita mo dito ang iba’t ibang halimbawa ng mga panalangin na maaari mong bigkasin sa anumang pagtitipon at pangangailangan. Mangyaring hanapin at tingnan ang mga halimbawa ng mga tagalog na panalangin sa aming listahan.

Sa pamamagitan nito, maipararating mo ang kaukulang dasal sa ating Makapangyarihang Diyos at masasabi mo sa Kanya ang iyong mga pasasalamat, paghingi ng kapatawaran at ang iyong mga kahilingan.

Dasal Para Gumaling ang Maysakit

Isang Halimbawa ng Panalangin Para sa Mabilis na Paggaling ng Maysakit na Kaibigan o Miyembro ng Pamilya

Tanging Diyos lamang ang makapagpapagaling sa atin kapag tayo’y may karadaman o sakit. Ihabilin natin sa kanya at umusal ng panalangin upang agad na gawaran ng kanyang mga mapagpagaling na kamay ang sinumang dumaranas ng matinding paghihirap ng katawan at isipan.

Panalangin Upang Mabilis na Gumaling ang Maysakit
ni: Von Anrada

Panginoon, higit na kilala mo si (banggitin ang pangalan ng kaibigan) kaysa sa akin. Nalalaman mo po higit kaninuman ang kanyang karamdaman at ang kanyang mga pasanin. Nakikilala mo rin ang kanyang puso at higit na ikaw ang nakaaalam ng nilalaman ng kanyang kalooban. Alam ko po na alam ninyo ang higit na makabubuti sa kanya.

Panginoon, nananalangin po ako ngayon sa inyo para sa agad na paggaling ni (banggitin ang pangalan). Kayo lamang po ang makatutulong sa kanya at kayo lamang po ang siyang makakapagpagaan ng kanyang mabigat na dinadala. Tulungan mo po siyang labanan ang mga paghihirap na ito upang maipagpatuloy pa niya ang mga mabubuting gawain at mga balakin na kanyang ginagawa. Bigyan mo po siya ng kalakasan upang makabangon sa banig ng karamdaman. Gawaran mo po siya ng iyong Mapagpalang kapangyarihan upang malagpasan ang lahat ng mga pagsubok na ito.

Idinadalangin namin ang lahat ng ito sa pangalan ni Jesus.

Amen.

-mga tagalog na panalangin

Panalangin Para Gumaling ang Maysakit


-------------------------
Naghahanap ng Picture Bible Verse?
-------------------------

tags: panalangin maysakit, dasal para sa maysakit.

3 comments:

Share this on Facebook. ^ Click the link above.


18 Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal,

19 At sa akin, upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan ang hiwaga ng evangelio,

20 Na dahil dito ako'y isang sugong natatanikalaan; upang sa ganito ako'y magsalita na may katapangan gaya ng nararapat na aking salitain. Mga Taga-Efeso 6:18-20