Mabuhay! Ikaw ay nasa “Mga Tagalog na Panalangin”. Makikita mo dito ang iba’t ibang halimbawa ng mga panalangin na maaari mong bigkasin sa anumang pagtitipon at pangangailangan. Mangyaring hanapin at tingnan ang mga halimbawa ng mga tagalog na panalangin sa aming listahan.

Sa pamamagitan nito, maipararating mo ang kaukulang dasal sa ating Makapangyarihang Diyos at masasabi mo sa Kanya ang iyong mga pasasalamat, paghingi ng kapatawaran at ang iyong mga kahilingan.

Panalangin Para sa Kaligtasan ng Pamilya

Panalangin sa Diyos

Ang kaligtasan ng pamilya ay nakasalalay sa kapangyarihan at kaluwalhatian ng ating Diyos.

Diyos Ama sa Langit
ni: Von Anrada

Siya ang Kaligtasan

Ama namin, bilang mga magulang ay nais naming makatulong sa lipunan at bumuo ng isang pamilyang may takot sa Diyos at nagtuturo at gumagawa ng iyong Banal na Salita. Tulungan mo po kami upang makintal sa amin ang inyong pag-ibig at makakuha ng sapat na kaalaman at ng karunungan. Magsilbi nawa kaming mabuting halimbawa sa aming kapwa na gumagawa at sumusunod sa lahat ng inyong mga aral at kautusan. Marami pong biyaya ang aming patuloy na tinatanggap sa aming buhay kaya’t nararapat lamang na kahit sa maliit na mga paraan ay makapagdulot kami ng ngiti sa iyong kalooban.

Iligtas mo po ang aming pamilya sa anumang kapahamakan at nawa’y bigyan mo kami ng sapat na lakas ng loob at katawan upang mapaglabanan namin ang mga pagsubok na aming makakasalubong.

Magkaroon po sana kami ng pagkakaisa at ng pagtutulungan upang magampanan ang mga tungkulin sa aming kapwa, sa aming bansa, sa kapaligirang aming ginagalawan at sa mundong aming kinabibilangan. Kayo po ang aming sandigan at lubos po kaming nananampalataya sa iyong kapangyarihan. Maraming salamat po.

Amen.

-mga tagalog na panalangin

Panalangin sa Diyos Ama

-------------------------
Magpapasalamat sa Diyos?
-------------------------

tags: dasal sa Diyos Ama, pagdarasal halimbawa pamilya

No comments:

Post a Comment

Share this on Facebook. ^ Click the link above.


18 Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal,

19 At sa akin, upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan ang hiwaga ng evangelio,

20 Na dahil dito ako'y isang sugong natatanikalaan; upang sa ganito ako'y magsalita na may katapangan gaya ng nararapat na aking salitain. Mga Taga-Efeso 6:18-20