Mabuhay! Ikaw ay nasa “Mga Tagalog na Panalangin”. Makikita mo dito ang iba’t ibang halimbawa ng mga panalangin na maaari mong bigkasin sa anumang pagtitipon at pangangailangan. Mangyaring hanapin at tingnan ang mga halimbawa ng mga tagalog na panalangin sa aming listahan.

Sa pamamagitan nito, maipararating mo ang kaukulang dasal sa ating Makapangyarihang Diyos at masasabi mo sa Kanya ang iyong mga pasasalamat, paghingi ng kapatawaran at ang iyong mga kahilingan.

Panalangin Para sa May Kaarawan

Isang magandang pagdiriwang ang kaarawan ng isang mahal sa buhay o kakilala. Ipanalangin ang pagpapala ng may kaarawan sa pamamagitan ng mga halimbawa ng mga tagalog na panalangin.


Panalangin Para sa May Kaarawan
ni: Von Anrada

Panalangin para sa may kaarawan.
Panginoong Diyos, pagpalain Mo po si (banggitin ang pangalan), sa kanyang kaarawan at sa mga susunod pang araw ng kanyang buhay. Ilayo Mo po siya sa kapahamakan habang nilalakbay niya ng kalsadang kanyang napiling daanan. Bigyan Mo po siya ng lakas ng katawan at kalooban upang makasunod sa liwanag ng iyong kapangyarihan at upang madama niyang lagi ang dakila mong pag-ibig.

Palakasin mo po ang kanyang pag-iisip upang makagawa ng mga magaganda at tamang pagpapasya sa anumang krus na daang kanyang makikita. Ilayo mo po siya sa anumang sakuna, karamdaman at kalungkutan sapagkat siya ay isang mabuting anak na nagpipilit sumunod sa iyong kalooban. Nararapat lamang na siya ay maging maligaya at magtagumpay sa kanyang mga gawain at balakin.

Alam po naming ang buhay ay parang aklat. Sa karagdagang pahina ng kanyang buhay ay karagdagan din naman ng kanyang kaalaman at pananampalataya. Pagpalain ninyo si (banggitin ang pangalan) ngayon at sa hinaharap na panahon.

Amen.

Panalangin Para sa may Kaarawan

-------------------------
Naghahanap ka ba ng iba pang dasal?
-------------------------

tags: panalangin para sa may kaarawan, dasal sa may birthday

No comments:

Post a Comment

Share this on Facebook. ^ Click the link above.


18 Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal,

19 At sa akin, upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan ang hiwaga ng evangelio,

20 Na dahil dito ako'y isang sugong natatanikalaan; upang sa ganito ako'y magsalita na may katapangan gaya ng nararapat na aking salitain. Mga Taga-Efeso 6:18-20