Mabuhay! Ikaw ay nasa “Mga Tagalog na Panalangin”. Makikita mo dito ang iba’t ibang halimbawa ng mga panalangin na maaari mong bigkasin sa anumang pagtitipon at pangangailangan. Mangyaring hanapin at tingnan ang mga halimbawa ng mga tagalog na panalangin sa aming listahan.

Sa pamamagitan nito, maipararating mo ang kaukulang dasal sa ating Makapangyarihang Diyos at masasabi mo sa Kanya ang iyong mga pasasalamat, paghingi ng kapatawaran at ang iyong mga kahilingan.

Halimbawa ng mga Panalangin sa Paaralan

Mga Maikling Panalangin sa Paaralan

Narito ang 5 halimbawa ng mga panalangin sa loob ng klase sa paaralan.

Mga Halimbawa ng Tagalog na Panalangin sa Paaralan
ni: Von Anrada

Gabayan Mo po ang mga Mag-aaral
1
Panginoon, maraming salamat po sa ibinigay ninyong panibagong pagkakataon upang kami ay matuto. Gawaran mo kami ng isang bukas na isip upang maipasok namin ang mga itinuturo sa amin at maunawaan ang mga aralin na makatutulong sa amin sa pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen.

2.
Diyos Ama, hindi po magiging madali para sa amin ang araw na ito kung wala po kayo sa aming tabi. Gabayan ninyo kaming lahat na mag-aaral upang malinang ang aming isipan at maunawaan ng lubos ang anumang leksiyon na itinuturo sa amin. Gabayan din naman ninyo ang aming mga guro upang magkaroon sila ng sapat na katiyagaan upang maihatid sa mga estudyante ang mga aral na dapat nilang ituro. Maraming salamat po. Sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Amen.

3
Panginoon naming Diyos, patnubayan mo po ang araw na ito sa aming lahat upang magampanan namin ang aming sariling tungkulin. Bigyan mo kami ng gabay at pagkalinga sa pagtupad ng aming mga gawain. Bigyan mo kami ng tulong sa aming mga desisyong ginagawa. Pagpalain mo an gaming mga guro sa matiyagang paghahatid sa amin ng mga leksyon sa araw-araw. Pagpalain mo rin an gaming mga magulang sa patuloy na pagsuporta sa amin. Maraming salamat po, Panginoon sa lahat ng biyayang inyong ibinibigay sa aming lahat. Ikaw po ang aming sandigan at kalakasan. Amen.

4
Ama, bantayan mo po ang iyong mga anak sa araw na ito ng kanilang pag-aaral. Ilayo mo po sila sa lahat ng panganib at sakuna upang maipagpatuloy nila ang kanilang mabubuting hangarin na matuto. Iligtas mo po sila sa mga pagsubok na kanilang makakasalamuha ngayong araw na ito. Maraming salamat, Amang banal, sa iyong mga biyaya. Amen.

5
Kami po ay maliliit na alipin sa iyong harapan. Patawarin mo po kami sa aming kahinaan. Bigyan mo kami ng kalakasan upang mapaglabanan ang mga pagsubok na darating. Igawad mo sa amin ang kababaang-loob upang tumulong sa aming mga kaklase at sa aming kapwa tao. Gabayan mo kami na maging isang huwaran sa aming lipunang ginagalawan at magsilbing mabuting halimbawa para sa mga mag-aaral na nakababata sa amin. Sa iyo ang kaluwalhatian at aming pagsamba, Panginoon naming Diyos sa pangalan ng iyong Anak na aming Tagapagligtas. Amen.

-mga tagalog na panalangin

Panalangin Bago Magsimula ang Klase sa Paaralan

-------------------------
Dasal sa Umaga at Gabi?
-------------------------

tags: dasal sa klase, panalangin ng mga mag-aaral, tagalog prayer, examples of tagalog prayer in class

2 comments:

  1. Ang pagdadasal sa paaralan ay nakakatulong para gabayan ka at tulungan sa lahat ng iyong mga pagsubok. Manalangin lang tayo at humingi ng tulong at gabay sa Dios, dahil "NO IMPOSSIBLE IN PRAYERS". - Slovencina Faith :)

    ReplyDelete
  2. Nais ng Diyos na lagi tayong nakikipag-usap sa kanya. Dito niya nakikita ang pagnanais nating mapalapit sa Kanya. Dito Niya nalalaman ang nilalaman ng ating puso. Sa pag-usal natin ng ating mga panalangin sa kanya, nagkakaroon tayo ng pagkakataon na maipakita natin sa kanya ang pagnanais nating mapalapit sa kanyang kalooban.

    ReplyDelete

Share this on Facebook. ^ Click the link above.


18 Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal,

19 At sa akin, upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan ang hiwaga ng evangelio,

20 Na dahil dito ako'y isang sugong natatanikalaan; upang sa ganito ako'y magsalita na may katapangan gaya ng nararapat na aking salitain. Mga Taga-Efeso 6:18-20