Mabuhay! Ikaw ay nasa “Mga Tagalog na Panalangin”. Makikita mo dito ang iba’t ibang halimbawa ng mga panalangin na maaari mong bigkasin sa anumang pagtitipon at pangangailangan. Mangyaring hanapin at tingnan ang mga halimbawa ng mga tagalog na panalangin sa aming listahan.

Sa pamamagitan nito, maipararating mo ang kaukulang dasal sa ating Makapangyarihang Diyos at masasabi mo sa Kanya ang iyong mga pasasalamat, paghingi ng kapatawaran at ang iyong mga kahilingan.

Dalangin Bago Magsimula ang Isang Pagtitipon

Dasal sa Isang Pagtitipon

Basbasan mo ang Aming Pagtitipon
ni: Von Anrada

Ama Namin, pakinggan Mo po
Ang pagtawag namin
Sa Iyong Banal na Pangalan.
Basbasan mo po ang aming pagtitipon
At kami’y kaluguran mo
Sa umaga/gabing ito.

Pagyamanin Mo po, Panginoon
At maging nakaayon sa iyong kalooban
Ang aming pagkikita-kita,
Mula sa simula hanggang katapusan.

Masalamin nawa namin
Ang layunin mong dakila sa aming buhay
At maisagawa namin ngayon
Ang aming mga gawain
Na may kabutihan at pag-ibig
Sa aming kapwa .

Kami po’y naninikluhod sa iyong harapan
Na kami’y iyong patnubayan
At iwaksi sa aming kaisipan
Ang anumang masasamang kaisipan
Inggit at pakikipag-alit
Sa aming mga kasama.

Bigyan mo kami
Ng sapat na lakas at katalinuhan
Upang maibahagi naman namin
Ang aming makakaya
Sa aming mga kasama
Sa pagtitipon na ito.

Ilagay mo po sa aming diwa at puso
Ang pagmamahal
Na hindi naghihintay
Ng anumang kapalit
Bagkus ay bukas-palad
Na magkakaloob ng anumang tulong.

Panalangin namin ang lahat ng ito
Sa pangalan ng Iyong Bugtong na Anak na si Hesus.

Amen.

Dalangin Upang Patnubayan ang Pagtitipon

2 comments:

  1. alam nyo po ang panalangin ay dapat nangaling sa puso...
    dahil alam ng dyos na kahit sandali nakapanalangin kayo sa kanya...kahit kunti dahil sa isang araw na panalangin na alaala ninyo na may dyos pa pala kayong pasalamatan..

    at ang panalangin ay seryoso hindi po ito pinagtatawanan dahil seryoso ito dyos po ang ating kausap...

    alaalahanin nyo po yan..

    lang po salamat sa taong nagbasa nito dahil kahit kunti mayroon kayong ediya kung paano gagawa ng isang panalangin kahit kayo lng ang gagawa...

    salamat po pala ulit...

    ReplyDelete
  2. alam nyo po ang paggawa ng panalangin a seryoso po dahil ang pagawa nito ay seryoso ngunit pag urax na nang panalangin kailangan seryoso dahil ang dyos po ang iyong kausap at alalahanin nyo po ang oagawa ng panalangin ay mula sa puso..upang ma alaala nyo nha kahit sandali na may dyos pa pala kayong pasalamatan sa araw na ito dahil kung hindi dahil sa kanya wala sa na tayo di2 yan lng po salamat sa pagbabasa...

    ReplyDelete

Share this on Facebook. ^ Click the link above.


18 Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal,

19 At sa akin, upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan ang hiwaga ng evangelio,

20 Na dahil dito ako'y isang sugong natatanikalaan; upang sa ganito ako'y magsalita na may katapangan gaya ng nararapat na aking salitain. Mga Taga-Efeso 6:18-20