Mabuhay! Ikaw ay nasa “Mga Tagalog na Panalangin”. Makikita mo dito ang iba’t ibang halimbawa ng mga panalangin na maaari mong bigkasin sa anumang pagtitipon at pangangailangan. Mangyaring hanapin at tingnan ang mga halimbawa ng mga tagalog na panalangin sa aming listahan.

Sa pamamagitan nito, maipararating mo ang kaukulang dasal sa ating Makapangyarihang Diyos at masasabi mo sa Kanya ang iyong mga pasasalamat, paghingi ng kapatawaran at ang iyong mga kahilingan.

Panalangin ng Pagsamba

"Sambahin ang ating Panginoong Hesus."


Sinasamba Ka Namin, Panginoong Jesus
ni: Von Anrada

Jesus, aking Diyos, sinasamba kita,
At ang Iyong Banal na Pangalan,
Hinihintay namin sa araw at gabi
Ang iyong kaluwalhatian
At ang paghahari mo
Sa buong sansinukuban

Jesus, aking Diyos,
Sinasamba ka namin sa lahat ng lugar
At sinasamba namin dito sa lupa
Ang iyong kapangyarihan
Sa lahat ng pagkakataon,
At sa lahat ng panahon.

Jesus, aking Diyos,
Sinasamba kita sa lahat ng oras
Sa nakaraan, sa kasalukuyan at sa hinaharap,
At kami’y nananampalataya
Na ang bawat kaluluwa
Ay kasama kang na lumikha.

Jesus, aking Diyos,
Sinasamba ka namin
Na naghahatid sa amin ng mga biyaya
At lahat ng aming mga pangangailangan
Sa araw-araw.

Jesus, aking Diyos,
Sinasamba ka namin
Sapagkat ikaw ang tumubos
Ng aming mga kasalanan
At malakas ang aming paniniwala
Na ikaw ang siyang Tagapagligtas.

Amen.

-mga tagalog na panalangin

Halimbawa ng panalangin ng pagsamba sa Panginoong Jesus.

No comments:

Post a Comment

Share this on Facebook. ^ Click the link above.


18 Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal,

19 At sa akin, upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan ang hiwaga ng evangelio,

20 Na dahil dito ako'y isang sugong natatanikalaan; upang sa ganito ako'y magsalita na may katapangan gaya ng nararapat na aking salitain. Mga Taga-Efeso 6:18-20