Mabuhay! Ikaw ay nasa “Mga Tagalog na Panalangin”. Makikita mo dito ang iba’t ibang halimbawa ng mga panalangin na maaari mong bigkasin sa anumang pagtitipon at pangangailangan. Mangyaring hanapin at tingnan ang mga halimbawa ng mga tagalog na panalangin sa aming listahan.

Sa pamamagitan nito, maipararating mo ang kaukulang dasal sa ating Makapangyarihang Diyos at masasabi mo sa Kanya ang iyong mga pasasalamat, paghingi ng kapatawaran at ang iyong mga kahilingan.

Panalangin ng Pasasalamat

Dasal ng Pasasalamat

Salamat, Panginoon kong Diyos na Buhay!

Salamat po sa pagbibigay sa akin ng aking mga kailangan.

Salamat po

Sa aking asawa
Na laging nasa aking tabi,
Sa hirap man o ginhawa
Sa ngiti man o luha.

Salamat po

Sa aking pamilya
Na patuloy na nakaalalay
Sa aking paglalakbay
Sa mga lubak ng buhay.

Salamat po

Sa aking mga kaibigan
Na hindi ako iniiwan
At ako’y nauunawaan
Kahit ako’y may kasalanan.

Salamat po

Sa mga pinuno ng bayan
Na araw-gabing pinapasan
At gumagampan
Ng mga tungkuling nakaatang.

Salamat po

Sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo
Na siyang nagpapaikot ng mundo
At gumagabay sa mga tao
Sa kanilang tinutungo.

Maraming salamat po.

Amen.

Panalangin ng Pasasalamat

No comments:

Post a Comment

Share this on Facebook. ^ Click the link above.


18 Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal,

19 At sa akin, upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan ang hiwaga ng evangelio,

20 Na dahil dito ako'y isang sugong natatanikalaan; upang sa ganito ako'y magsalita na may katapangan gaya ng nararapat na aking salitain. Mga Taga-Efeso 6:18-20