Mabuhay! Ikaw ay nasa “Mga Tagalog na Panalangin”. Makikita mo dito ang iba’t ibang halimbawa ng mga panalangin na maaari mong bigkasin sa anumang pagtitipon at pangangailangan. Mangyaring hanapin at tingnan ang mga halimbawa ng mga tagalog na panalangin sa aming listahan.

Sa pamamagitan nito, maipararating mo ang kaukulang dasal sa ating Makapangyarihang Diyos at masasabi mo sa Kanya ang iyong mga pasasalamat, paghingi ng kapatawaran at ang iyong mga kahilingan.

Panalangin Pagkatapos ng Klase

Maikling Panalangin Pagkatapos ng Klase

Dasal Namin Pagkatapos ng Klase
ni: Von Anrada

Tagalog Panalangin After Class

Maraming salamat po.
Sa mga aral na inyong itinuro,
Sa pamamagitan ng aming guro,
Na matiyagang nagbibigay-karunungan
Sa mga utak naming mangmang.

Nawa’y magamit ng lahat
Ang mga aral na ito
Sa pawang kabutihan lamang.

Gabayan mo kaming muli bukas
At iyong dagdagan
Ang mga aral na ito,
Kasama ng mga pagkakataon
At mga biyaya ng panahon,
Upang maiguhit namin nang mainam
Ang aming mga kinabukasan.

Panalangin ngayon pagkatapos ng klase
At aming hinihiling na sana,
Magkaroon pa kami ng kalakasan,
At katatagan,
Upang muli naming mapagyaman
Ang aming kaisipan.
Nais namin na ikaw
Ay aming pasalamatan
sa biyaya ng karunugan.

Amen.

-mga tagalog na panalangin

Maikling Panalangin Pagkatapos ng Klase

Image Credit - Quit Alcohol Blog

29 Tagalog Bible Verse Panalangin 1

Tagalog Bible Verse Picture Panalangin

Juan 15:7 "Kung kayo'y magsipanatili sa akin, at ang mga salita ko'y magsipanatili sa inyo, ay hingin ninyo ang anomang inyong ibigin, at gagawin sa inyo."

bible verse tagalog
Awit 15:7
-mga tagalog na panalangin

Ano ang Panalangin

Ano ang panalangin? Ang panalangin ay ang ating direktang pakikipag-usap sa ating Diyos at Panginoon sa langit. Ito ay isang uri ng komunikasyon na naglalayong maipahatid natin ang ating pasasalamat, paghingi ng tawad, mga kahilingan at ang ating mga hinaing. Katulad ng pakikipag-usap natin sa ating kapwa, nararapat lamang na ang panalangin natin sa ating Lumikha ay mabisa, maayos, magalang at may dalisay na kalooban upang maihatid natin nang lubos ang ating nais iparating.


Nais ng Diyos na lagi tayong nakikipag-usap sa kanya. Dito niya nakikita ang pagnanais nating mapalapit sa Kanya. Dito Niya nalalaman ang nilalaman ng ating puso. Sa pag-usal natin ng ating mga panalangin sa kanya, nagkakaroon tayo ng pagkakataon na maipakita natin sa kanya ang pagnanais nating mapalapit sa kanyang kalooban.

Ang pasasalamat natin sa pamamagitan ng mga dasal ang siyang nagpapaigting ng ating respeto at pagdakila sa kanya. Dito natin nasasabi kung gaano tayo kaligaya sa mga biyayang natatanggap natin sa araw-araw. Ang panibagong araw sa ating buhay ay sapat na upang tayo’y magpasalamat sa kanya. Ang hininga sa ating mga ilong ay sapat na upang atin siyang pasalamatan.

Ang paghingi ng tawad ay hindi lamang nakapagpapagaan ng ating mga kalooban. Ito rin ay mabisang paraan upang maipaalam natin sa Diyos na tayo’y lubhang nagsisisi sa ating mga nagawang pagkukulang at mga pagkakasala. Dito natin sa kanya maipararating ang ating lubusang pagnanais na mapatawad tayo sa ating mga pagsalangsang.

Ang pagsamba natin sa kanya sa pamamagitan ng mga dasal at panalangin ay isang paraan naman natin upang maipakita at masabi na atin siyang dinadakila at sinasamba. Ang ating pagluhod sa kanyang harapan at pagyuko ay nangangahulugan lamang na tayo’y kanyang isang alipin na nakahandang maglingkod sa kanya.

Ang paghiling ang paraan upang mabanggit natin sa kanya ang ating mga kahilingan at mga pangangailangan. Itinuturo ng Banal na Kasulatan na alam na niya ang ating mga pangangailangan bago pa man natin sabihin sa kanya ngunit ang effort na ating ginagawa sa pananalangin ay mabisang paglalahad sa kanya na taos sa ating puso ang ating ginagawa.

Mabisa ang isang panalangin kung sasamahan ng gawa. May kasabihan tayo sa wikang Tagalog: “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.” Ang pagtulong natin sa ating kapwa, paggawa ng maliliit na bagay na pawing kabutihan ay ilan lamang sa maaari nating maging daan upang maging mabisa ang ating panalangin sa ating Diyos na Buhay!

Picture Bible Verse

Tagalog Bible Verse 

Mga Awit 97:1 - "Ang Panginoon ay naghahari; magalak ang lupa; matuwa ang karamihan ng mga pulo."

Awit 97:1
Design by: Mga Tagalog na Panalangin

Mga Panalangin kay Santa Maria

Tagalog Prayers for Mama Mary

Manalangin tayo.
Aba Ginoong Maria / Hail Mary / Ave Maria

Aba Ginoong Maria,
napupuno ka ng grasiya,
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala rin naman
ang anak mong si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay.

Amen.

Aba Po Santa Mariang Hari / Hail Holy Queen / Salve Regina

Aba Po Santa Mariang Hari, Inang ng Awa.
Ikaw ang kabuhayan at katamisan;
Aba pinananaligan ka namin.
Ikaw nga ang tinatawagan namin,
pinapanaw na taong anak ni Eva.
Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng aming pagtangis
dini sa lupang bayang kahapis-hapis.

Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin,
ang mga mata mong maawain,
at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin,
ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen.

Ipanalangin mo kami, Reyna ng kasantusantuhang Rosaryo.
Nang kami'y maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristo.

-mga tagalog na panalangin

Basahin din:

Ama Namin

Famous Tagalog Bible Verse

Wallpaper Tagalog Bible Verse

picture bible verse tagalog
Tagalog Wallpaper Bible Verse

Design by: Mga Tagalog na Panalangin

Related Images:

Tagalog Verse from the Bible - Forgiveness
Tagalog Bible Verse - Maysakit

Panalangin sa Gabi

Example of Tagalog Prayer at Night

Patawarin ang kapwa upang patawarin din naman.

Inihahabilin Ko
ni: Von Anrada

Panalangin sa Gabi

Panginoon na walang hanggan,
Maraming salamat sa buong maghapon,
Maraming salamat sa mga biyaya,
At mga kabutihang aming natamo,
Maraming salamat sa paggabay,
sa mga tulong at sa  mga taong naging inspirasyon ko.

Nais kong ipahinga ang aking puso’t isipan ngayong gabi,
Bantayan Mo po naman ako sa magdamag,
Ilayo Mo po ako sa masasamang alalahanin,
Alisin mo po ang lahat ng karumihan ng aking puso,
Ipatawad mo ang aking mga kasalanan,
Sapagkat pinatatawad ko ang mga gumawa sa akin ng kasamaan.

Iniaalay ko po sa iyo ang bawat tibok ng aking dibdib,
Inihahandog ko po sa Iyo ang baway himaymay ng aking laman,
Ikaw po ang lumikha sa akin,
At ang lahat sa akin at nagmula sa iyo.

Hindi ko po kayang mabuhay ng wala ka,
Sinasamba po kita, Panginoon,
Ngayon at sa mga susunod pang panahon.

Amen.

-mga tagalog na panalangin

Panalangin sa Gabi
-------------------------
Kapatawaran?
-------------------------

tags: ang panalangin sa bagi bago matulog, a night’s prayer, dasal para sa peace of mind, bago matulog prayer filipino

Tagalog Verse from the Bible - Forgiveness

Mga Tagalog Verse sa Bible with Picture

tagalog bible verse forgiveness kapatawaran
Tagalog Bible Verse - Forgiveness
Design by: Mga Tagalog na Panalangin

Related Images:

• Bible Tagalog Verse - Magpatawad

Ang Aking Dasal Video and Lyrics

Ang Aking Dasal Tagalog Version The Prayer

[video]


Ang Aking Munting Dasal
nina: Jamie Rivera and Robert Seña

Nawa’y maging gabay
Saan man magtungo
Tuwing nalulumbay
Linawan ang puso
Itong aming dasal
Kapag naliligaw

Kami’y akayin mo
Sa landas na wasto
Kung saan patungo sa iyo.

Aming panalangin,
(Nawa’y pag-ibig Mo)
O Diyos kami’y dinggin
(Ilaw sa ‘ming puso)
Sa bawat sandal
(Sa araw at gabi)
Maging tanglaw namin

Ito’ng aming dasal
(Ito’ng aming dasal)
Ito’ng aming dasal
(Ito’ng aming dasal)
Habang nasa mundo
Kami’y akayin mo

Kung saan patungo sa iyo.

Panalangin namin
Kami ay pagpalain
Na kahit sa dilim
Nawa’y makita

Liwanag ng pag-ibig mong dakila
At din a mawalay sa iyong gabay

O Diyos aming hiling
(Nawa ay tanglawan)
Payapang daigdig
(At laging bantayan)
Ang buhay na laging
(Sa Iyo umaasa)

Puspos ng iyong pag-ibig
(Ikaw ay Manahan)
Aming panalangin
(Aming panalangin)
Tulad ng isang paslit
(Tulad ng isang paslit)

Kami’y akayin mo
Sa landas na wasto
Kung saan patungo sa iyo

Kami’y akayin mo
Sa landas na wasto
Kung saan patungo sa iyo

-mga tagalog na panalangin

The Prayer – Ang Aking Munting Dasal - Tagalog Version of Jamie Rivera and Robert Seña

-------------------------
Hihingi ng Tawad?
-------------------------

tags: aking munting dasal, panalangin tagalog, the prayer tagalog version, video religious songs

Bible Tagalog Verse - Pinatawad

Wallpaper Bible Quotes Tagalog with Picture

tagalog bible verse picture
Tagalog Bible Verse Picture
Design by: Mga Tagalog na Panalangin

Dasal na Humihingi ng Tawad

Halimbawa ng Panalangin sa Paghingi ng Tawad

Humingi ng kapatawaran sa anumang kasalanang nagawa at piliting itakwil nang tuluyan ang mga kasalanang ito. 

Patawarin Mo Kami, Panginoon
ni: Von Anrada

Patawad po!

Panginoon naming Diyos, patawarin mo kami sa lahat ng aming mga kasalanan. Patawarin mo rin kami sa aming pagkukulang sa Iyo, sa aming kapwa, sa aming pamilya’t mga mahal sa buhay. Pinipilit po naming maging malakas sa araw-araw upang mapaglabanan ang mga kaway ng kamay ng kasamaan. Patawarin mo po kami sa paminsan-minsang pagtalikod namin sa iyong mga kautusan.

Humihingi po kami ng kapatawaran sa inyong harapan sa mga nagagawa naming kasinungalingan ng aming dila. Patawad po sa pagkakaroon ng maruming pag-iisip at puso. Patawad po sa pagtangging tumulong sa mga nangangailangan. Nawa’y pahintulutan mo kami na magkaroon ng malinis na dibdib at kalooban, gayundin ang isip at diwa upang makasunod sa iyong nilalakaran.

Panginoon, gawaran mo kami ng mapagpatawad mong kadakilaan at bigyan mo kami ng matibay na paninindigan upang itakwil ang kasamaan. Bigyan mo rin kami ng matatag na pananampalataya upang maging matibay sa mga tukso na dumarating at darating sa aming buhay.

Maraming salamat po.

Amen

-mga tagalog na panalangin

Panalangin Upang Mapatawad ng Diyos


-------------------------
Panalangin sa Paaralan?
-------------------------

tags: dasal paghingi ng tawad, kapatawaran panalangin, Christian prayer tagalog,

Bible Tagalog Verse - Magpatawad

Tagalog Bible Verse with Picture

tagalog bible verse forgiveness
Wallpaper Bible Verse
Design by: Mga Tagalog na Panalangin

Halimbawa ng Isang Panalangin

Tagalog na Panalangin at mga Paliwanag

Isang dasal ng Kristiyano na maaaring usalin sa araw-araw.


Ama Namin

Ama namin, sumasalangit ka,
Sambahin ang ngalan mo.
Mapasa amin ang kaharian mo,
Sundin ang loob mo,
Dito sa lupa para ng sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga utang,
Para ng pagpapatawad namin sa mga nagkakautang sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
Bagkus iadya mo kami sa masama.

Mga bahagi at mga paliwanag

Nagmula kay San Agustin (sa kanyang Liham kay Proba) ang sumusunod na mga paliwanag hinggil sa napiling mga bahagi ng http://panalangindasaltagalog.blogspot.com/Ama Namin:

Sumasalangit ka

Sa pariralang ito nasasasaad ang pagka-Amang makalangit ng ating Yahweh El Shaddai. Siya na naghahari sa langit ay nagsugo ng kanyang anak upang tayo ay iligtas. Ipinapakita ni Hesus ang kanyang ama sa atin sa pamamagitan ng kanyang sarili. Kaya sa bawat parirala ng Ama Namin, tayo ay nakikibahagi sa misteryo ni Yahweh.

Mapasaamin ang kaharian mo

Sa pagbanggit ng mapasaamin ang kaharian mo (o your kingdom come sa Ingles), ipinaaalala sa tao na tiyak ang pagdating ng kaharian ng Diyos, subalit pinasisigla ng pariralang ito ang pagnanais ng mga nananalig sa kahariang ito. Upang nang sa gayon, dumating ito sa tao na nararapat ang taong mamuhay sa loob nito.

Sundin ang loob mo

Kapag sinasambit ang sundin ang loob mo, dito sa lupa para ng sa langit, hinihiling ng tao sa Diyos na maging masunurin nawa ang tao o sarili ng tao upang masunod ang kagustuhan ng Diyos sa loob ng tao, katulad ng ginagawa ng mga anghel sa kalangitan.

Bigyan mo kami

Kapag sinasabi ang bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, pinakakahulugan dito ang "sa mundong ito". At humihingi tayo ng pagiging sapat at ginagamit ang kakanin (bread sa Ingles) upang sumagisag para sa lahat ng bagay.

Patawarin mo kami

Sa pagsasabi ng patawarin mo kami sa aming mga sala, para ng pagpapatawad namin sa mga nagkakautang sa amin, ipinaaalala ng tao sa kanyang sarili kung ano ang kailangan niyang hingin at kung ano ang dapat niyang gawin upang maging nararapat sa pagtanggap.

Huwag ipahintulot sa tukso

Kapag sinasabi naman ang huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, pinapaalala ng tao na hindi maaaring lumisan sa kanya ang tulong na ito. Kapag nawala ito, maaari siyang mabulid at pumayag sa isang tentasyon at mabuyo rito.

Iadya mo kami

Sa pagbanggit ng iadya mo kami sa masama, ipinaaalala ng tao sa sarili na magmuni sa katotohanang hindi pa niya ikinasisiya ang katayuan ng pagiging isang banal kung saan hindi na siya maghihirap sa ilalim ng kasamaan. Sa kahilingang ito, maaaring sambitin ng isang Kristiyano ang kanyang pagtangis, at sa pamamagitan nito maaari siyang magsimula, magpatuloy, at wakasan ang kanyang dalangin, anuman ang suliraning kinatatagpuan niya sa kanyang sarili.

Photo Image by: theamericanjesus.net

-mga tagalog na panalangin

Tagalog Quotes Bible Verse - Sakuna

Tagalog Bible Verse Wallpaper


Wallpaper from: Mga Tagalog na Panalangin

Halimbawa ng mga Panalangin sa Paaralan

Mga Maikling Panalangin sa Paaralan

Narito ang 5 halimbawa ng mga panalangin sa loob ng klase sa paaralan.

Mga Halimbawa ng Tagalog na Panalangin sa Paaralan
ni: Von Anrada

Gabayan Mo po ang mga Mag-aaral
1
Panginoon, maraming salamat po sa ibinigay ninyong panibagong pagkakataon upang kami ay matuto. Gawaran mo kami ng isang bukas na isip upang maipasok namin ang mga itinuturo sa amin at maunawaan ang mga aralin na makatutulong sa amin sa pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen.

2.
Diyos Ama, hindi po magiging madali para sa amin ang araw na ito kung wala po kayo sa aming tabi. Gabayan ninyo kaming lahat na mag-aaral upang malinang ang aming isipan at maunawaan ng lubos ang anumang leksiyon na itinuturo sa amin. Gabayan din naman ninyo ang aming mga guro upang magkaroon sila ng sapat na katiyagaan upang maihatid sa mga estudyante ang mga aral na dapat nilang ituro. Maraming salamat po. Sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Amen.

3
Panginoon naming Diyos, patnubayan mo po ang araw na ito sa aming lahat upang magampanan namin ang aming sariling tungkulin. Bigyan mo kami ng gabay at pagkalinga sa pagtupad ng aming mga gawain. Bigyan mo kami ng tulong sa aming mga desisyong ginagawa. Pagpalain mo an gaming mga guro sa matiyagang paghahatid sa amin ng mga leksyon sa araw-araw. Pagpalain mo rin an gaming mga magulang sa patuloy na pagsuporta sa amin. Maraming salamat po, Panginoon sa lahat ng biyayang inyong ibinibigay sa aming lahat. Ikaw po ang aming sandigan at kalakasan. Amen.

4
Ama, bantayan mo po ang iyong mga anak sa araw na ito ng kanilang pag-aaral. Ilayo mo po sila sa lahat ng panganib at sakuna upang maipagpatuloy nila ang kanilang mabubuting hangarin na matuto. Iligtas mo po sila sa mga pagsubok na kanilang makakasalamuha ngayong araw na ito. Maraming salamat, Amang banal, sa iyong mga biyaya. Amen.

5
Kami po ay maliliit na alipin sa iyong harapan. Patawarin mo po kami sa aming kahinaan. Bigyan mo kami ng kalakasan upang mapaglabanan ang mga pagsubok na darating. Igawad mo sa amin ang kababaang-loob upang tumulong sa aming mga kaklase at sa aming kapwa tao. Gabayan mo kami na maging isang huwaran sa aming lipunang ginagalawan at magsilbing mabuting halimbawa para sa mga mag-aaral na nakababata sa amin. Sa iyo ang kaluwalhatian at aming pagsamba, Panginoon naming Diyos sa pangalan ng iyong Anak na aming Tagapagligtas. Amen.

-mga tagalog na panalangin

Panalangin Bago Magsimula ang Klase sa Paaralan

-------------------------
Dasal sa Umaga at Gabi?
-------------------------

tags: dasal sa klase, panalangin ng mga mag-aaral, tagalog prayer, examples of tagalog prayer in class

Tagalog Quotes Bible Verse - Kalamidad

Tagalog Bible Verse Wallpaper

bible verse tagalog picture
Wallpaper Tagalog Bible Verse

Design by: Mga Tagalog na Panalangin

Panalangin Kapag may Bagyo

Panalangin Upang Iligtas sa Bagsik ng Bagyo

Humingi ng tulong sa Diyos upang iligtas sa hagupit ng anumang bagyong tatama sa Pilipinas.

Iligtas Mo Po Kami, Diyos Ama
ni: Von Anrada

panalangin bagyo
Sa Oras ng Kalamidad


Panginoon naming Diyos, Amang Makapangyarihan sa lahat, kami po ay tumatawag sa inyong banal na pangalan, iligtas mo po kami sa hagupit ng bagyong dinaranas namin ngayon. Nananampalataya po kami ng lubos na hindi ninyo kami pababayaan sa mga panahong ito. Alam po namin na sa inyo nagbuhat ang lahat ng bagay, kayo ang lumikha ng lahat ng unos at kayo rin po ang pagbubuhatan ng aming kaligtasan. Kayo lamang po ang makatutulong sa amin sa mga panahon ng kalamidad at sakuna. Hanguin mo kami sa pagkakalugmok dahil sa hagupit ng bagyo na ito’t itaas mo ang aming mga espiritu upang maging matibay ang aming pananampalataya sa iyo. Patuloy po kaming kakapit sa iyong mga kalooban at susunod sa iyong mga lakad kahit na kami’y dumaranas ngayon ng paghihinagpis.

Panginoon, nananalangin po kami ngayon na sana’y malagpasan namin ang bagsik ng bagyong ito. Kanlungan mo kami ng iyong dakila at makapangyarihang kamay upang maligtas sa mga panganib. Gawaran mo kami ng iyong kalakasan upang makabangon naman sa mga pinsalang natatamo namin at ng aming bansa. Idinadalangin namin ang lahat ng ito sa pangalang ng iyong anak na si Jesus.

Amen.

-mga tagalog na panalangin


-------------------------
Tagalog Quotes from the Bible with Pictures?
-------------------------

tags: dasal tuwing may bagyo, panalangin upang maligtas sa anumang sakuna, bagyo, kalamidad, baha, lindol, biyahe.

Tagalog Quotes Bible Verse - Bagyo

Tagalog Bible Verse with Picture

Tagalog Bible Verse with Picture
Tagalog Bible Verse with Picture
Original Design: Mga Tagalog na Panalangin

Other Tagalog Bible Verse Pictures:

Tagalog Bible Verse - Panalangin
• Tagalog Bible Verse - Maysakit

Panalangin Para sa Kaligtasan ng Pamilya

Panalangin sa Diyos

Ang kaligtasan ng pamilya ay nakasalalay sa kapangyarihan at kaluwalhatian ng ating Diyos.

Diyos Ama sa Langit
ni: Von Anrada

Siya ang Kaligtasan

Ama namin, bilang mga magulang ay nais naming makatulong sa lipunan at bumuo ng isang pamilyang may takot sa Diyos at nagtuturo at gumagawa ng iyong Banal na Salita. Tulungan mo po kami upang makintal sa amin ang inyong pag-ibig at makakuha ng sapat na kaalaman at ng karunungan. Magsilbi nawa kaming mabuting halimbawa sa aming kapwa na gumagawa at sumusunod sa lahat ng inyong mga aral at kautusan. Marami pong biyaya ang aming patuloy na tinatanggap sa aming buhay kaya’t nararapat lamang na kahit sa maliit na mga paraan ay makapagdulot kami ng ngiti sa iyong kalooban.

Iligtas mo po ang aming pamilya sa anumang kapahamakan at nawa’y bigyan mo kami ng sapat na lakas ng loob at katawan upang mapaglabanan namin ang mga pagsubok na aming makakasalubong.

Magkaroon po sana kami ng pagkakaisa at ng pagtutulungan upang magampanan ang mga tungkulin sa aming kapwa, sa aming bansa, sa kapaligirang aming ginagalawan at sa mundong aming kinabibilangan. Kayo po ang aming sandigan at lubos po kaming nananampalataya sa iyong kapangyarihan. Maraming salamat po.

Amen.

-mga tagalog na panalangin

Panalangin sa Diyos Ama

-------------------------
Magpapasalamat sa Diyos?
-------------------------

tags: dasal sa Diyos Ama, pagdarasal halimbawa pamilya

Tagalog Bible Verse Picture - Pagdarasal

Tagalog Bible Verse - Tagalog Prayer Pictures

bible quotes
Tagalog Prayer Quotes Wallpaper 03 - Panalangin

Pasasalamat sa Diyos

Halimbawa ng Pasasalamat sa Diyos

Nararapat lamang na pasalamatan natin ang ating Diyos sa patuloy na paggabay niya sa atin sa araw-araw.

Maraming Salamat, Diyos Ko!
ni: Von Anrada

Maraming salamat po!

Panginoon ko, maraming salamat po sa lahat ng mga biyayang walang sawang ibinibigay ninyo sa akin. Pipilitin ko pong gamitin ang mga biyayang natatanggap ko upang makatulong din po sa ibang kapwa ko nilalang na nangangailangan.

Maraming salamat po sa patuloy ninyong pagbibigay ng pagkakataon upang malaman ko ang dahilan ng aking pag-iral. Ibinabalik ko po ang karangalan sa inyo sa aking pagkakalikha.

Maraming salamat po sa pagkakaroon ng masayang pamilya, mga mapagkakatiwalaang kaibigan at mga kakilala. Sila po ang dahilan ng aking kasiyahan. Sila po ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon upang mabuhay at maging masaya sa araw-araw.

Maraming salamat po sa patnubay na inyong ibinibigay sa aming lahat upang magampanan namin ang mga responsibilidad at tungkuling nakaatang sa aming balikat.

Maraming salamat din pos a kalakasan, katalinuhan at kapasyahan. Ito po ang ginagamit namin sa pagsugba sa mga alon at pagsubok ng buhay.

Maraming salamat din po sa inyong bugtong na anak na siyang tumubos ng aming kasalanan.

Amen.

-mga tagalog na panalangin

Pasasalamat na panalangin sa Diyos

-------------------------
Estudyante ka ba?
-------------------------

tags: panalangin at pasasalamat, dasal sa diyos na nagpapasalamat

Tagalog Bible Verse Picture - Dasal

Tagalog Bible Verse - Tagalog Prayer Pictures

Tagalog Prayer Quotes Wallpaper 01 - Panalangin
Disenyo: Mga Tagalog na Panalangin blog

Other Picture/s:
Tagalog Bible Verse Picture - Panalangin

Panalangin ng mga Estudyante

Halimbawa ng Panalangin ng Estudyante

Ang isang mag-aaral ay gumagawa ng maraming gawain sa araw-araw. Mula sa kanyang pagpasok sa umaga hanggang sa paggawa niya ng mga takdang-aralin sa gabi, masasabing kulang ang oras niya upang magampanan ang kanyang mga tungkulin. Dapat lamang na magkaroon pa rin siya ng panahon sa panalangin upang makahingi ng tulong at gabay sa ating Diyos na Buhay.

Student’s Prayer – Tagalog na Panalangin ng mga Mag-aaral
ni: Von Anrada


Tulungan Nawa

Mahal kong Diyos, bigyan mo po ako ng kaalaman, kalakasan at pag-ibig. Panatilihin mo ako sa kalsadang nararapat kong lakaran at buksan mong lagi ang iyong pintuan. Gagamitin ko ang aking kaalaman sa kabutihan ng aking mga mahal sa buhay at kapwa-tao, ang kalakasan ay aking magiging sandata sa mga pagsubok na aking makakasalubong at ang pag-ibig ay aking ipamamahagi sa iba kong kamag-aral upang matulungan din sila sa anumang suliranin na kanilang dinaraanan.

Tulungan mo po ako, Panginoon, na makagawa ng tamang desisyon sa ikalulugod ng iyong kalooban at sa kapakinabangan ng karamihan. Gawaran mo po ako ng malinis na puso at tuwid na kaisipan upang matupad ko ang aking mga pangarap.

Bigyan mo naman ako ng kababaang-loob upang matanggap ko ang aking mga pagkakamali at kasalanan. At pusong mapagkumbaba na siyang magsisilbing tagatanggap ko ng aking mga kahinaan at pagkukulang. Inihahabili ko po sa inyo ang aking buong isang araw. Sa pangalan ng iyong anak na si Jesus.

Amen.

-mga tagalog na panalangin

Panalangin ng mga Estudyante

Photo Credit:

-------------------------
Dasal Bago magsimula ang klase?
-------------------------

tags: panalangin ng estudyante, dasal bago pumasok sa school

Tagalog Bible Verse Picture - Panalangin

Tagalog Bible Verse - Tagalog Prayer Pictures

Tagalog Prayer Quotes Wallpaper 01 - Panalangin
Disenyo: Mga Tagalog na Panalangin blog

Other Picture/s:

Dasal Para Gumaling ang Maysakit

Isang Halimbawa ng Panalangin Para sa Mabilis na Paggaling ng Maysakit na Kaibigan o Miyembro ng Pamilya

Tanging Diyos lamang ang makapagpapagaling sa atin kapag tayo’y may karadaman o sakit. Ihabilin natin sa kanya at umusal ng panalangin upang agad na gawaran ng kanyang mga mapagpagaling na kamay ang sinumang dumaranas ng matinding paghihirap ng katawan at isipan.

Panalangin Upang Mabilis na Gumaling ang Maysakit
ni: Von Anrada

Panginoon, higit na kilala mo si (banggitin ang pangalan ng kaibigan) kaysa sa akin. Nalalaman mo po higit kaninuman ang kanyang karamdaman at ang kanyang mga pasanin. Nakikilala mo rin ang kanyang puso at higit na ikaw ang nakaaalam ng nilalaman ng kanyang kalooban. Alam ko po na alam ninyo ang higit na makabubuti sa kanya.

Panginoon, nananalangin po ako ngayon sa inyo para sa agad na paggaling ni (banggitin ang pangalan). Kayo lamang po ang makatutulong sa kanya at kayo lamang po ang siyang makakapagpagaan ng kanyang mabigat na dinadala. Tulungan mo po siyang labanan ang mga paghihirap na ito upang maipagpatuloy pa niya ang mga mabubuting gawain at mga balakin na kanyang ginagawa. Bigyan mo po siya ng kalakasan upang makabangon sa banig ng karamdaman. Gawaran mo po siya ng iyong Mapagpalang kapangyarihan upang malagpasan ang lahat ng mga pagsubok na ito.

Idinadalangin namin ang lahat ng ito sa pangalan ni Jesus.

Amen.

-mga tagalog na panalangin

Panalangin Para Gumaling ang Maysakit


-------------------------
Naghahanap ng Picture Bible Verse?
-------------------------

tags: panalangin maysakit, dasal para sa maysakit.

Tagalog Bible Verse Picture - Maysakit

Tagalog Bible Verse - Tagalog Prayer Pictures


tagalog bible verse picture
Tagalog Prayer Quotes Wallpaper 01 - Maysakit
Disenyo: Mga Tagalog na Panalangin blog

Panalangin Bago Magsimula ang Klase

Halimbawa ng Panalangin sa Klase

Bago simulan ang anumang gawain, nararapat lamang na pasalamatan at ihabilin ito sa Diyos upang magtagumpay. Makatutulong ang panalangin na ito upang gabayan sa mga mag-aaral at guro sa isang klase bago magsimula ang pag-aaral.


Panalangin sa Klase
ni: Von Anrada

dasal klase
Nagdarasal na Mag-aaral
Diyos na Banal, maraming salamat po sa pagkakataong ibinigay ninyo sa aming lahat upang makapag-aral. Salamat po sa pagbibigay ninyo sa amin ng isang guro na matiyagang hinuhubog ang aming isipan sa araw-araw. Salamat din po sa aming mga magulang sa patuloy na pagkakaloob sa amin ng aming mga pangangailangan.

Gabayan naman po ninyo kami upang makita ng aming mga mata ang mga aral na ibinibigay ng aming tagapagturo. Bigyan ninyo po kami ng talas ng isip upang matalos ang mga bagay na kailangan naming malaman. Patnubayan mo po kami sa aming landas na piniling lakarin. Wala po kaming magagawa kung wala ang inyong tulong at mga pagpapala.

Gabayan din naman ninyo ang aming guro upang maibigay niya ng lubusan ang mga paliwanag na aming kakailanganin sa pagharap sa kinabukasan. Bigyan din naman ninyo siya ng matiyagang kalooban upang mapatawad ang aming pagkukulang.

Sa harap ninyo at sa inyong bugtong na anak, inaalay namin ang araw na ito. Amen.

-mga tagalog na panalangin

Panalangin sa Harapan ng Klase

Photo Credit: http://paengfjarilla.wordpress.com/2012/03/29/paeng-in-school/

-------------------------
Dasal sa Birthday ng Kaibigan?
Panalangin Para sa May Kaarawan
-------------------------

tags: panalangin sa simula ng klase, dasal na tagalog ng estudyante, klase dasal.

Panalangin Para sa May Kaarawan

Isang magandang pagdiriwang ang kaarawan ng isang mahal sa buhay o kakilala. Ipanalangin ang pagpapala ng may kaarawan sa pamamagitan ng mga halimbawa ng mga tagalog na panalangin.


Panalangin Para sa May Kaarawan
ni: Von Anrada

Panalangin para sa may kaarawan.
Panginoong Diyos, pagpalain Mo po si (banggitin ang pangalan), sa kanyang kaarawan at sa mga susunod pang araw ng kanyang buhay. Ilayo Mo po siya sa kapahamakan habang nilalakbay niya ng kalsadang kanyang napiling daanan. Bigyan Mo po siya ng lakas ng katawan at kalooban upang makasunod sa liwanag ng iyong kapangyarihan at upang madama niyang lagi ang dakila mong pag-ibig.

Palakasin mo po ang kanyang pag-iisip upang makagawa ng mga magaganda at tamang pagpapasya sa anumang krus na daang kanyang makikita. Ilayo mo po siya sa anumang sakuna, karamdaman at kalungkutan sapagkat siya ay isang mabuting anak na nagpipilit sumunod sa iyong kalooban. Nararapat lamang na siya ay maging maligaya at magtagumpay sa kanyang mga gawain at balakin.

Alam po naming ang buhay ay parang aklat. Sa karagdagang pahina ng kanyang buhay ay karagdagan din naman ng kanyang kaalaman at pananampalataya. Pagpalain ninyo si (banggitin ang pangalan) ngayon at sa hinaharap na panahon.

Amen.

Panalangin Para sa may Kaarawan

-------------------------
Naghahanap ka ba ng iba pang dasal?
-------------------------

tags: panalangin para sa may kaarawan, dasal sa may birthday

Halimbawa ng Panalangin sa Gabi

Kailangan nating ihabilin sa ating Panginoon ang buong magdamag at umusal ng panalangin bago matulog sa gabi. Dapat nating ihingi ng kapatawaran an gating mga kasalanang nagawa sa buong maghapon. Katulad ng ating panalangin sa umaga, dapat nating hilingin ang gabay at awa ng Diyos upang tayo ay kanyang gabayan at tulungan.


Panalangin Bago Matulog sa Gabi
ni: Von Anrada

Panalangin sa Gabi

Amang banal, makapangyarihan sa lahat, sinasamba po kita sa lahat ng oras. Maraming salamat po sa isang buong araw na nagdaan na puno ng biyaya, pag-ibig at kaligayahan. Salamat din po sa mga pagsubok at mumunting mga luha na dumating sa aking buhay na alam ko pong siya po ninyong paalala sa akin na kayo po ay Diyos na buhay.

Maraming salamat po sa pagbabantay sa akin at sa aking pamilya’t mga kaibigan sa loob ng maghapong ito at sa paggabay sa amin sa mga pagsubok na aming nakasalamuha. Alam ko pong nariyan kayo sa aming tabi sa lahat ng oras upang kami ay bantayan at gabayan.

Nagpapasalamat din po ako sa mga aral na aking natutunan sa inyo sa buong maghapong nakalipas. Ang lahat po ng ito ay aariin kong kayamanan at pipiliting isabuhay hanggang ako po’y may hininga.

Panginoon ko’t Diyos ko, Patawarin naman po ninyo ako sa mga pagkakasalang nagawa ko at sana’y mabigyan pa ninyo ako ng panahon upang makapagbagong buhay. Ako po’y nagsisisi sa aking mga pagsalangsang sa inyong mga utos. Patawarin din ninyo ako sa mga pagtalikod na aking ginawa sa aking kapwa at sa mga pagkukulang ko sa aking mga kaibigan at mga mahal sa buhay. Pinatatawad ko rin po sila sa kanilang mga kasalanan sa akin.

Batbat po ng dumi at kasamaan ang aking puso at isipan. Nawa’y linisin mo ito ngayong magdamag at baguhin upang bukas ng umaga ay magkaroon ako ng malakas na pananampalataya at panibagong buhay. Paliwanagin mo ngayong gabi ang madilim kong isip at kalooban upang sa kinabukasan ay maging ilaw din ako sa aking kapwa na gagabay sa kanilang madilim na kalsadang tinatahak.

Gabayan din ninyo kami sa magdamag na ito at iligtas sa anumang panganib. Alam ko pong alam na ninyo ang aming mga kailangan sa araw-araw. Hindi po kami humihingi ng labis sa aming mga pangangailangan. Ibigay mo po sana sa amin sa paraang sasapat po upang kami ay mabuhay at makatulong sa mga nangangailangan. Maraming salamat po.

Idinadalangin naming ang dasal na ito sa pangalan ng iyong anak na si Jesu-kristong aming tagapagligtas.

Amen

-mgatagalognapanalangin


Tags panalangin sa gabi, dasal bago matulog sa gabi, dalangin sa Panginoon, dasal ng tao sa gabi, halimbawa ng panalangin, night’s prayer, prayer before sleeping, prayer before going to bed, panalangin sa pagtatapos ng araw.

Halimbawa ng Panalangin sa Umaga

Ang panalangin sa umaga ay isang magandang gawain bago magsimulang gumawa ng anumang gawain. Dapat tayong magpasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa atin ng panibagong pagkakataon at ihandog sa Kanya ang anumang gawain sa tinutugpang araw.

Panalangin sa Umaga
ni: Von Anrada

Maraming salamat, Diyos ko, sa magdamag na pagbabantay sa akin at sa aking mga mahal sa buhay. Nagpapasalamat din ako sa isa pang araw at pagkakataon na iyong ibinigay sa akin upang makapiling ko ang aking mga mahal sa buhay at maipamahagi sa aking kapwa ang aking pagmamahal at pagkalinga. Maraming salamat din sa pagkakataon na maipakita sa Iyo ang aking pananampalataya. Ama, sa pagdaan ng mga araw, unti-unti kong nauunawaan ang mga dahilan kung bakit Mo ako nilikha. Unti-unti ko nang nauunawaan kung bakit ako umiiral ngayon sa mundong ito. Maraming salamat sa laging pagpapaalala sa akin na ako’y naririto upang maglingkod at sumamba sa Iyo. Maraming salamat sa patuloy na pagpapaalala sa akin na ako’y naririto upang tumulong sa aking kapwa.

Patawarin Mo naman ako, Ama, sa mga kasalanang aking nagawa at nagagawa. Patawarin Mo ako sa aking mga pagkukulang sa aking mga mahal sa buhay, sa pag-iimbot ng aking kaloobang sa aking kapwa-tao, sa mga masasamang diwang bigla na lamang pumapasok sa aking isipan, sa mga pagsisinungaling na nagagawa ng aking dila, sa mga pita ng laman ng aking mga mata, sa malimit na paglimot sa aking mga pangako. Inihihingi ko ng kapatawaran ang lahat ng aking pagsalansang. Ako’y maliit na alipin, gawaran Mo ako kahit katiting na kalakasan upang labanan ang mga tuksong ito. Linisin Mo ang aking puso, bigyan Mo ng kabutihan ang aking kalooban at gawaran Mo ako ng busilak na damdamin sa buong maghapon.

Nais ko pong sundin ang iyong kalooban at nakahanda ko pong subukan na magampanan ang mga tungkuling iyong iaatang sa akin sa araw na ito. Bigyan Mo lamang ako ng sapat na lakas upang maitatuwa ang mga masasamang gawain at tahakin ang tamang daan na dapat kong lakaran. Nakahanda rin po akong sumunod sa iyong kalooban at anumang utos na buhat sa Iyo ay akin pong pipiliting sundin. Nawa’y maging matibay ako sa mga pagsubok ng buhay at unti-unti kong malagpasan ang mga unos na darating. Patnubayan Mo ang aking mga mahal sa buhay na siya kong nagiging inspirasyon sa mundong ito upang maipagpatuloy ang aking buhay.

Marami pong salamat.

Panalangin namin ang lahat ng ito, sa pangalan ni Jesus.

Amen.

-mgatagalognapanalangin

Panalangin sa Umaga

tags: • panalangin paggising sa umaga • dasal tuwing umaga • panalangin sa pagsisimula ng araw • prayer tagalog
Share this on Facebook. ^ Click the link above.


18 Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal,

19 At sa akin, upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan ang hiwaga ng evangelio,

20 Na dahil dito ako'y isang sugong natatanikalaan; upang sa ganito ako'y magsalita na may katapangan gaya ng nararapat na aking salitain. Mga Taga-Efeso 6:18-20