Mabuhay! Ikaw ay nasa “Mga Tagalog na Panalangin”. Makikita mo dito ang iba’t ibang halimbawa ng mga panalangin na maaari mong bigkasin sa anumang pagtitipon at pangangailangan. Mangyaring hanapin at tingnan ang mga halimbawa ng mga tagalog na panalangin sa aming listahan.

Sa pamamagitan nito, maipararating mo ang kaukulang dasal sa ating Makapangyarihang Diyos at masasabi mo sa Kanya ang iyong mga pasasalamat, paghingi ng kapatawaran at ang iyong mga kahilingan.

Filipino Prayers Before Work

Two (2) Examples of Tagalog Prayers Before Work


1. Panalangin Bago ang Pagsisimula ng Trabaho

Aking Ama sa Langit,
Aking iniaalay ang araw na ito
At ang lahat ng aming mga gawain,
Sa Iyong harapan.

Nawa’y kalugdan mo,
Ang lahat ng aking gagawin
At nawa’y masunod ko
Ang iyong mga kautusan
Habang tinutupad ko ang aking mga trabaho.

Bigyan mo ako
Ng kalakasan ng katawan
Tamang pag-iisip,
At mabuting puso
Upang maisakatuparan ko
Ng maayos ang lahat ng ito
Na walang ibang natatapakan .

Bigyan mo nawa
Ang aking kabuuan
Ng mabuting kalooban
Matalas na diwa
At matuwid na layunin.

Bigyan mo rin nawa
Ang aking pag-iisip
Ng mabuting dahilan
Upang tupdin ng matagumpay
Ang mga trabaho na ito
Alang-alang sa aking mga mahal sa buhay
At kapwa.

Maraming salamat po aking Amang nasa Langit.

Ang panalangin na ito ay aking itinataas sa iyong kinalalagyan bago ang aking pagsisimula ng aking mga trabaho sa pangalan ng iyong anak na si Jesus.

Amen.

2. Dasal Bago ang Isang Gawain

Amang Banal,
Maraming salamat sa panibagong araw
Na iyong ibinigay
At sa pagkakataong ito
Na maisakatuparan ang aking trabaho
Ng maayos,
Matagumpay
At puno ng pagmamahal.

Layunin ko po na tupdin ang iyong mga kautusan
At gawing inspirasyon ang iyong kadakilaan
At kaluwalhatian sa araw na ito.

Itinataas ko sa ika-pitong kalangitan
Ang lahat ng ito
At nananalangin n asana ay iyong kalugdan
Ang anumang tagumpay na aking makakamit.

Maraming salamat sa iyong kabutihan at sa iyong kaawaan sa akin at sa aking pamilya, ngayon at sa nakaraan.

Amen.

Tagalog Biblical Passage Prayer 5

“Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng aking Ama na nasa langit. Sapagka't kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila.” - Mateo 18:19,20

tagalog biblical passage picture
Tagalog Biblical Passage 5

Tagalog Prayers Before Meals

Sample of Tagalog Prayers Before Meals

Tagalog Prayer before Meals 1

Umusal ng dasal. 
Panginoon, maraming salamat sa mga biyayang nakahanda sa aming hapag-kainan. Ang mga biyayang ito ay aming pinahahalagahan sapagkat sa iyong kabutihan at kapangyarihan nagbuhat ang lahat ng mga ito.

Maraming salamat, Panginoon sa patuloy ninyong pagbibigay sa amin ng mga pagkaing aming kailangan upang maging malakas at malusog sa aming araw-araw na buhay. Maraming salamat din sa aming pagsasama-sama ngayong oras ng pagkain at nawa’y magkaroon kami ng pagkakataong muli sa susunod pang mga araw na muling magkasama-sama upang pagsaluhan ang iyong mga magagandang biyaya. Sa pangalan ng iyong anak na si Jesus. Amen.

Tagalog Prayer before Meals 2

Maraming salamat po, Amang Banal, sa mga biyayang iyong ipinagkaloob sa amin sa araw na ito. Sinasamba ka namin sa patuloy mong pagkalinga sa aming sangbahayan at sa aming buong komunidad na aming ginagalawan. Nawa’y maging maayos ang aming pagsasalu-salo ngayong oras na ito at sa mga susunod pang araw. Amen

Tagalog Prayer before Meals 3

Ama, basbasan mo po ang mga biyayang ipinagkaloob mo sa amin upang aming pagsalu-saluhan. Ibinabalik po namin sa iyong harapan ang lahat ng kapurihan at nawa’y maging karapat-dapat kami sa lahat ng biyayang patuloy ninyong ipinagkakaloob sa aming pamilya at sambahayan. Maraming salamat po, Panginoon sa aming masaganang pamumuhay. Ang iyong kabutihan at kaluwalhatian ay hindi magkukulang kailanpaman. Amen.

Ito ay mga halimbawa ng mga Tagalog na panalangin na maaaring usalin ng mahina o malakas bago kumain ng almusal, tanghalian o hapunan. Ugaliing umusal ng kahit isang maikling dasal bago kumain (before meals) upang makapagpasalamat sa dakilang Panginoon.
Share this on Facebook. ^ Click the link above.


18 Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal,

19 At sa akin, upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan ang hiwaga ng evangelio,

20 Na dahil dito ako'y isang sugong natatanikalaan; upang sa ganito ako'y magsalita na may katapangan gaya ng nararapat na aking salitain. Mga Taga-Efeso 6:18-20